Friday, November 26, 2004

150, may bawas pa ho..


Posted by Hello
Mam, pamasadg na po kayo, pabred (ng buhok).. bowting? snorkel?.. baka gusto niyo makakita ng dolpin?.. mura lang po.
ay, pag dayuhan po, 200 ang masadg, opo, nagtraining po kami nito dyan sa senter.. sineseminar po kami, pag pilipino 150 na lang po, pag marami kayo pwede na ring 130 po.. sige na mam, ser.

Brod, kailangan nyo ng cottage? Meron akong pad, parang studio, pero malaki pare. Ang dami pwede sa loob, malamig, bigay ko sa yo 1500 na lang. Huwaaattt!!??? Nasan na ba kami? Kala ko puerto galera to!??? Kasi pang groupie talaga yung room, pare. Alam mo na.. A, sige, budget bed at budget meal lang kasi hanap namin. Wrong number. Mukha ba kaming groupie!??

Ah dito na lang, mukhang okay. Dito sir, kumuha na kayo ng tickets niyo sa barko baka maubusan kayo bukas? baka di na kayo makasakay sa barko na pupunuin talaga namin ng lubusan kahit may parating na bagyo, kayo bahala, nagtatawag na ung cost gard, kasi nga, may bagyo, bilisan niyo nang kumain, baka maiwan kayo, sinabi kasi namin sa cost gard na nakaalis na ung barko, pwede pang isiksik kayo dun. oo, sir, malaki pang lugar, pwede na kasi ung pasahero humawak na lang sa gilid ng barko, sa may kawayan.. para kayong nagjetski na rin niyan sir..

ang sarap.. bumili ng native shorts na made in china....
katutubong... tûbo... =)

----
kakaiba talaga magbakasyon dito :)
picture taken at Puerto Galera, White Beach

No comments: